Ang Iligan City ay isa sa mga pinakamagandang syudad sa Pilipinas. Kaya ito nasasabing maganda kasi dahil ito sa mga magagandang tanawin. Kaya ito tinawag na syudad ng talon ang Iligan City dahil ito ay may 23 na talon. Isa sa mga pinakasikat na talon sa Iligan City ay ang Maria Cristina. Tinatawag din itong “twin falls” dahil ang agos nito ay pinag hiwalay ng bato. Ang lungsod ng Iligan, na kilala sa tawag na “City of Majestic Waterfallls” ay matatagpuan sa Pilipinas sa hilaga ng Mindanao. Ang lungsod na ito ay nagmula sa isang nayon sa Bayug na may 2.5 kilometro ang layo mula sa hilaga ng kasalukuyang Poblacion. Ito ay napapaligiran hilaga at hilagang-silangan ng lalawigan ng Misamis Oriental, sa silangan at hilagang-silangang bahagi ng lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Sur, sa timog-silangan ng lalawigan ng Lanao del Norte at sa kanluran ng Iligan Bay. Unang nanirahan dito ang mga katutubong Maragats, bago pa man dumating ang mga Kastila. Sa kalagitnaan ng ika-16 dantaon, dumating ang mga dayuhang Bisaya mula sa pulo ng Panglao. Mula sa pagiging maliit na pamayanan ng Kagawaran ng Mindanao at Sulu, Pulo ng Pilipinas noong 1903, umusbong ito sa pagiging lungsod sa sampung pinag-isang lalawigan ng Lanao.Ang Talon ng Maria Cristina bilang isang tanawin ay may pinakamahalagang kontirbusyon sa paglago ng ekonomiya ng Iligan lalong lalo na sa buong mundo. Mas lalo naming pinagtibay ang aming pagpapakilala ng Talon ng Maria Cristina bilang lugar ng turismo at pinagmumulan ng hydroelectric power at purihin ito dahil sa pag-angat ng ekonomiya ng Iligan at Pilipinas. Gusto rin naming ipakita ang nakatagong yaman ng Talon ng Maria Cristina. Ang talon na ito ay pinakaunang pinangalingan na nagbibigay ng enerhiya upang magkaroon ng ilaw ang buong syudad.Isa din sa nagpapaganda sa Iligan City ay ang Timoga pool. Isa itong paliguan na kung saan napakalinis at napakalamig ng tubig. Kaya maraming naiganyo na pumunta dito para matikman kung gaano kasarap maligo sa tubig ng Iligan City.
Gusto nyo bang malibang kasama ang pamilya? Inigano ko kayo na pumunta sa Tinago falls upang matignan ang mga magagandang hayop sa maliit na zoo. Kaya ito tinawag na tinago kasi ito ay napakalayo at dadaan ka pa sa matirik at napakahabang hagdanan na kung saan may 500 na hakbang. Sa ingles naman ang ibig sabihin ng tinago ay “hidden”. Kung hindi nyo rin alam isa ang tinago sa mga magandang tanawin na pinakita sa palabas na “Forever and the day” nina Sam Milby at Kc Concepcion. Kung trip nyo naman mag zipline kasama ang pamilya, pumunta na kayo sa Maria Cristina. Nakakatakot at napakasaya. Talagang ma eenjoy ka at sulit ang iyong bayad. Isa sa mga pasyalan ng mga tao dito sa Iligan ay ang mga mall. Dito marami pumupunta dito upang mamasyal. Marami din kayong mabibili na magaganda at mura. Pwede rin kayong manood ng ng palabas sa mga magagandang sinehan dito sa Iligan. Gusto mo bang kumain ng inihaw, litson, mag inuman? Pumunta na kayo sa “night market” tuwing biyernes at sabado sa Rizal Park dito sa Iligan City Plasa. Doon mo matitikman ang ibat-ibang putahi tulad ng liston, inihaw, barbekyu. Pwede rin kayong mag inuman kasama ang barkada at manood ng nagagalingan na mga banda. Hindi rin magiging maganda ang Iligan kapag wala ang pista. Ito ang pinakamasayang araw na mangyayari na kung saan may ibat-ibang mga kasiyahan na magaganap.
No comments:
Post a Comment