Monday, October 17, 2011


SIMULAN NA NATIN…… MAGLAKBAY

Alam mo ban a marami ka mahanap o Makita na mga kahanga-hangang mga bagay
ditto sa lungsod ng Iligan. Makikita mo ito sa Pilipinas. Maaraw ang klima rito at sobrang
ganda talaga ko makakabisita kayo dahil mababait, at palakaibigan ang mga tao
nakatira dito. Ngayon, hayaan nyo muna ako na vipikilala sa inyo tungkol sa lungsod ng
Iligan.

Ang Iligan ay nasa gitna ng mga magagandang natural ng kalikasan ng Hilagang
Mindanao at sumasaklaw sa 44 na Barangay. Ito ay isang lungsod, tunay na mapalad
dahil pinuprotektahan ito ngina ng kalikasan. Ito ay protektado mula sa mga bagyo sa
pamamagitan ng likas na yaman.

Alam mo ban a tinawag itong “City of Waterfalls”. Ang pinakasikat, kahanga-hanga at
paborito ng lahat ay ang Maria Cristina Falls patungong Agus River. Ang Maria Cristina
Falls ay isang napakagandang talon. Ang pwersang nalilikha ng pagbagsak ng tubig
nito ay nagtutustos ng kuryente sa maraming lugar sa iligan. Marami rin dito mga
magagandang batis katulad ng Timoga at Taytay na pinaakukunan ng iling at malinis na
tubig para sa mga swimming resort.

Ang magandang kapaligiran ay kaloob ng Diyos sa tao. Bilang pasasalamat sa kanya,
buong tiyaga nating alagaan ito para sa ikauunlad ng ating lugar at ng buong bansa.

Maganda’t malins ang kapaligiran. Malusog, mataba ang mga halaman dito. May
mga punong matataas, mababa’t maganda at maraming mga bunga. Mayroon din
naming matatagpuan, na munti at maayos na palaisdaan sa iligan, mayroon ding lugar
na mapapasyalan, mga kabundukan, palayan at kagubatan kung hindi inaasahan na
makakakita ka mga ilang hayop ay naninirahan.

Tunay na kay ganda ng kapaligiran na kaloob ng Diyos sa atin
kaya’t nagtutulungan ang mga Hiligaynon na mapanatili ang ina
ng kalikasan.

Ang kultura ng pilipinas o kalingan ng Pilipinas aypinaghalong impluwensya ng mga
katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito

noon. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa
ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay,
o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong
pagsasayaw, at sa ibang lugar ay may sabungan.

Nakapanood kana bang mga katutubong sayaw? Ano an gang nararamdaman mo
habang nanood ka ng mga ito?

Tulad ngpag-awit, hilig din ng mga Hiligsynon ang pagsasayaw. May mga sayaw para
sa iba’t ibang okasyon.

Isanasaulong ang Pista para makilala ang IliganCity.. Kung sa Cebu ay meron Sinulog,
Davao may Kadayawan, ang Iloilo has Dinagyang, dito naman ay Diyandi. Isang
simpleng pandiriwang para kay patron saint, Saint Michael the Archangel.

Habang ipinagdriwag ang pista sa Setyembre, may mga activities rin tulad ng dance
contest, trisikad racing contest, ballroom dancing, cooking contest, cultural shows at
Miss Iligan Beauty contest…. Meron din mga maliliit na Divisoria tulad ng Mugna, mga
sports competition, concerts at street party…

Nagkaroon din ng street dancing at yon talaga ang pinakahighlight dahil sobrang aliw
na aliw ang mga tao dahil maraming mga magagandang floats….may mga taong
nagsusuot na mga makukulay na damit ….kaya’t tuwng Setyembre inaanyayahan ko
kayo na pumunta rito lalo’t lalo kung isang kang dayuhan……

Pagkatapos ng pista…pumunta ang mga kapusa star dito sa Iligan na si Sam pinto ,isa
sa mga magagandang babae sa kapuso. Siya ay nag-present ng production number
sa “Miss Iligan 2011” doon sa MSU-Iligan Institute of Technology gym…..kinabukasan
dumating sina Rachell Ann Go at Jay-r para eh! Promote ang Protégé kasama sina TJ
Trininad, Ynna Asistio, Ruffae Mae Quinto at Moymoy Palaboy….madami ang dumating
at nakisaling kumanta….sa tingin ko ay nasiyahan ang mga tao dahil napuno ang gym
sa mga sigaw at halakhak ng mga teenagers at matanda….

Magiging Masaya kung kayo ang nakakita ng mga sinulat ko para sa susunod na taon
ay babalik kayo rito kasama ang kaigigan ninyo….at huwag kayong magbahala dahil
maramingmga cheap na hotel…. At marami rin mga magagandang restaurant….pwde
rin kayo bumili ng street food para matikman ninyo….pwde doon sa plaza dahi
tuwing gabi ay may activity doon at maramirin kayong mabiling mga masasarap na
pulutan…………..

Maraming pasyalan dito katulad ng Mall. Malamig ang lugar na ito dahil sa malalaking
air-conditioning units. Matatagpuan din dito ang mga departments stores, computer
shops, restaurant, beauty shops, at iba pa!

Ang mga mag-anak sa lungsod ay madalas magpalipas ng oras sa mga pook na ito.
Ang kaibahan nga lamang nito sa mga natural na pook-pasyalan ay ang pagiging
mgasts ditto. Kailangan ang pera sa pamamasyal sa mall, hindi tulad sa mga parke. Sa
parke, matatamo ang kasiyahan nang hindi na kailangan pang gumastos ng labis.

Makikita din ditto ang iba’t ibang native products na makikita lang sa mga tindahan
ng Maranao na matatagpuan sa Quezon avenue katabi ng trendline store, malapit
sa asia gm printshops….marami ka makikitang kakaibang bagay katulad ng mga
wooden chest na may iba’t ibang klaseng at may Malong rin sila na may 100 o higit
pang designs…ang iba ay mahal dahil expensive yong tela at ang kanyang quality at
manufacture. Alam mo ban a iba ay imported ba sa Indonesia kaya’t mahal talaga…

Clikityclak….clikityclak…….. narinig nyo ba yon?

Aha! Kalesa! Alam nyo ban a tinawag ito na “King of the road” noon wala bang
jeep…makikita nyo ito sa pala-o at sobrang cheap lang ito… kailangan mo lang
magbayad ng P 6:oo di ba sulit lang!....kaya sakay nah!!

Kung pupunta ka ditto at nasa ibang bansa kailangan sumakay ka papunta Manila at
saka ka sasakay papunta Cagayan de oro at saka sasakay ka sa bus papunta dito….

Isinulat ni:

Jehrah Seco
 

ANG LUNGSOD NG ILIGAN:  MALIIT MAN AY MAY
MAIPAGMAMALAKI RIN
ni: Aileen Pearl Namla
 
Ang isla ng Pilipinas ay minsan ng nataguriang may pinakamagagandang likas na yaman na pwedeng-pwedeng ipagmalaki hindi lamang sa Asya kundi pati na rin sa buong mundo. Nariyan ang Chocolate Hills ng Bohol, ang Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe na gawa ng mga Ifugao, ang Bulkang Mayon ng Bikol, at kung anu-ano pang mga nakakamamanghang tanawin na animo’y mga nagagandahang dilag sa angkin nilang mga kariktan. Ngunit hindi lahat ng mga ito’y napupuna at napapag-usapan lalung-lalo na ang isla ng Mindanao dahilan na rin sa mga napapabalitang sigalot at kaguluhan sa nasabing pulo ng bansa na kung minsan ay may kalabisan at eksaherasyon dahil sa pangkalahatan naman dito ay may matiwasay at organisadong mamamayan na sumusunod sa batas ng tao at ng Diyos.
Isa sa mga maipagmamalaki ng Pinoy lalung-lalo na sa mga likas-yaman ng Mindanao ay matatagpuan sa siyudad ng Iligan na kilala rin sa bansag na City of Majestic Waterfalls. Kung ikaw ay isang dayo o kaya’y isang turista, dalawa lang ang maari mong pagpili-an para makapunta sa siyudad. Ang una, ay kumuha ka ng flight sa Manila papuntang Cagayan De Oro City, pagkatapos ay sumakay ka ng bus papuntang Iligan. Ang pangalawa, ay magbarko ka sa Manila papuntang Iligan, pero aabutan ka ng mahigit kumulang ng tatlumpu’t anim na oras bago mo marating ang nasabing lugar. Pero kahit pagod man tayong darating, magiging sulit naman ang iyong bakasyon sa dami ng puwede mong masilayan at maranasan sa siyudad ng Iligan. Saan ka makakakita ng talon na matatagpuan sa isang siyudad? Dito lang yan sa Iligan. At ang nakamamangha, hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi dalawampu’t tatlong talon ang makikita mo mismo dito sa siyudad.Una na dito ang tanyag na Talon ng Maria Cristina na matatagpuan sa Baranggay Buru-un. Ito rin ang nagsu-supply ng elektrisidad ng halos lahat ng lugar sa Mindanao. Pangalawa ay ang Limunsudan Falls na matatagpuan sa Baranggay Rogongon. Alam niyo ba na sa taas nitong walong daan at pitumpong talampakan ay sinasabing ito ang siyang pinakamataas na talon sa Pilipinas. Isa pang kaaya-ayang talon na maari mong masilayan ay ang nakatagong kayamanan ng Iligan na kung tawagin ay Tinago Falls. Maraming haka-haka ang kumalat patungkol sa talon na ito. Ito daw ay lugar ng mga nimpas at mga diwata kung kaya’t parang  isang henyo ang gumawa ng kabuuan nito.  Nandiyan rin ang Mimbalut Falls, Guimbalolan Falls, Kamadahan Falls, Pindarangahan Falls, Gata Falls, Kibalang Falls, Rogongon Falls, Dalipuga Falls, Dodiongan Falls, Kalubihon Falls, Langilanon Falls, Hindang Falls, Pampam Falls, Languyon Falls, Linanot Falls, Malinao Falls, Bridal Veil Falls, Abaga Falls, Maligang Falls, at Malapacan Falls.
Kung sa talon lang ay namangha na kayo, marami pang likas na yaman ang puwede niyong kabiliban dito sa lungsod ng Iligan. Nariyan ang Mt. Agad-Agad na tiyak kung magpapahingal sa iyo papuntang tuktok. Ang Buhanginan Hills na isa sa pinakamgandang pasyalan ng lungsod. Ito ay nasa taas na isangdaan at tatlumpung talampakan  kung saan puwede mong matanaw ang  kabuuan ng Iligan. Maganda ring tanawin dito ang pagsikat at paglubog ng araw sa kalawakan. Dito rin natin matatagpuan ang Iligan City Hall at higit sa lahat ang Anahaw Open Amphitheater na siyang pinagdadarausan ng street dancing tuwing Setyembre ng bawat taon sa pagkilala sa Kapistahan ni Senyor San Miguel. Dito, ating makikita ang iba’t ibang klaseng libangan, katulad na lamang na kung tawagin ay Mugna kung saan makakakita ka ng iba’t-ibang klaseng amusement rides and shows at mga nakaka-engganyong tiyangge sa bawat sulok nito na may napakamumurang tinda.  At sa ganitong buwan mo rin maaaring masaksihan ang Diyandi Festival at ang mga nagagandahang kalahok ng Miss Iligan at Miss Little Iligan.
Kung ang hanap mo nama’y isang makasaysayang infrastraktura, pupunta tayo sa ex-ancestral home ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Dito mo malalaman ang talambuhay ng kanilang angkan. At doon sa may kalapitan, mahahanap mo ang isa sa pinag-uusapan ng mga bumibisita sa lungsod. Ito ang siyang Timoga Swimming Pools na dinesinyo para sa pampamilyang okasyon. Mayroon din tayong Maze Park kung saan pinagsama ang swimming pool at zoo sa iisang lugar. Dito mo masasaksihan ang iba’t ibang klase ng hayop na bihira mo lamang matatagpuan sa kasalukuyang panahon. Nariyan din ang iba’t ibang klase ng beaches na puwede mong babaran, anong oras na gugustuhin mo. Isa na riyan ang Regs Beach ng Sta. Felomina. Doon ay may mga establisyemintong kukumpleto ng araw mo gaya na lamang ng restaurant, conference hall, open cottages, at mga pinarerentahang silid. Nandito rin ang ipinagmamalaki ng lungsod na Chelina’s Beach Resort, Sabac and Halibac Beach, at higit sa lahat ang Bucana Beach kung saan dito mo mararanasan ng sabay ang pagligo sa tubig-alat at tubig-tabang. At kung gusto mo naman ng romantikong kapaligiran, ay mararapatin nating puntahan ang Centennial Park at Dalipuga Beach Resort kung saan ditto mo masisilayan ang kakaibang dating ng paglubog ng araw.  Kung ikaw naman ay isang party person, mayroon din tayong mga clubs na maari mong daluhan. Nariyan ang Iliganon Bar at Club Seven na titighaw sa iyong inip at antok tuwing sasapit ang gabi. Kung ikaw naman ay food-lover, siguradong papatok sayo ‘tong mga fine dining restaurants katulad na lamang ng Maria Cristina Hotel and Restaurant, Tatay’s Grill ‘n Bar, and Café Hermoso. Puwede ka ring dumayo at kumain sa Yom’s Grill at Gazpacho’s Food House at matitikman mo ang kanilang Camaron Rebusado na talaga namang swak na swak. Kung mahilig ka sa putaheng manok, puwedeng-puwede kang  pumunta sa Sunburst Fried Chicken, Chrisven Food Haus and Dear Manok at viola, ihahanda ka nila ng iba’t ibang luto ng manok. Kung trip mo namang magkape, puwede ka ring tumambay sa Aruma Coffee Lounge at sabayan mo ng Iliganon’s pizzas at ang putahe ng mga Maranao na kung tawagin ay beef randang. Kung hilig mo namang kumain ng pastries, ay angkop na angkop sa iyo ang Michelle’s Cake and Pastries, Peek ‘n Berry Pastries, at Zoey. Kung hilig mo nama’y Filipino foods, nariyan ang Big Dipper Restaurants, Quick-Cha Corner, at Kuzina Iliganon. Kung hanap mo nama’y Chinese Foods, nariyan ang Lai-Lai Yeung Chow Restaurant at JY Dimsum House. Kung problema mo naman ang iyong matutulugan, ay may sagot tayo diyan. Nariyan ang Maria Cristina Hotel, Elena Tower Inn, Famous Pension House, Cheradel Suites, Farrah Hotel, Jalexis Inn, Alya Vista, at marami pang ibang pagpipiliang angkop sa iyong panlasa at budget sa bulsa. Kung type mo namang mag-shopping, nariyan ang Uni City, JBC, Berd’s Theater Mall, Trendline Center, Squarelland, Novo, Fiesta Mall, UniTops, at higit sa lahat ang bagong bukas na  Gaisano Mall na puwede mong pasyalan kasama ang iyong mga kamag-anak at kaibigan. Kung gusto mo namang  bumili ng mga mamahaling damit na may tatak, maari ka ring magpunta sa mga fashion boutique na nakahilera karamihan sa sentro ng lungsod.
Ipinagmamalaki rin ang Iligan sa pagkakaroon nila ng mga nagbobonggahang organisasyon na ang layon ay ang paunlarin at palaganapin ang turismo ng nasabing lungsod sa pangunguna ng IPAG (Integrated Performing Arts Guild), isang samahan ng mga aktor at mananayaw na pinapahalagahan at ipinapakita ang kultura ng lahing Pilipino mapaloob man o mapalabas ng ating bansa. Nariyan din ang Kalimulan Dance Troupe, mga grupo ng mananayaw na residente ng MSU-IIT (Mindanao State University – Iligan Institute of Technology). Kung may mga mananayaw, mayroon ding mga mang-aawit tulad na lamang ng OCTAVA, isang choral organization na residente din ng nasabing unibersidad. Sila ang siyang nagpapaalala sa kultura at lahi ng Pilipino, partikular na sa taga-Iligan na kung tawagin ay mga Hiligaynon. Ang mga Hiligaynon ay mga lumad na residente ng lungsod na kinabibilangan ng mga Kristiyano, Muslim, Manobo  at ng iilang porsiyento ng ibang salinlahi kung kaya tinawag ang Iligan na isang makulay na lungsod na may makulay na kultura.
Dati na ring nabansagan ang Iligan bilang nag-iisang industrialized city of the south sa pagkakaroon nito ng maraming establisyeminto at mga pabrika ng iba’t ibang produkto. Marahil ay kilalang-kilala niyo na ang dating NSC (National Steel Corporation) na ngayo’y tinatawag ng Global Steel Corporation, ang ICC (Iligan Cement Corporation), ang HolCim, ang PILMICO, at iilan pang mga naglalakihang infrastraktura na sumusulong sa makabagong teknolohiya sa kasalukuyan. Minsan na ring naparangalan ang lungsod ng Iligan bilang isang malinis na siyudad at lungsod na may mga mabubuting opisyal dahilan na rin sa maayos na pamamalakad nito sa buong kalakhan.
Isa rin sa mga bumibihag ng mga dayuhan ang mga pagkaing trademark ng Iligan. Gaya na lamang ng Cheding’s Peanut at ang sukang kakaiba sa lahat na kung tawagin ay Sukang Pinakurat. Sa katunayan, ang mga produktong ito ay minsan na ring nailathala at naipalabas sa isang lokal na programa ng telebisyon na pinapatunayan lamang na may kakaibang dating ang produkto ng taga-Iligan sa larangan ng inobasyon at klase ng mga de-kalidad na mga sangkap.
Tunay nga na kaaya-aya ang bansang Pilipinas, lalung-lalo na ang mga tagong pulo na malimit lamang naririnig ng mga may dugong banyaga. Kaya mas maiging paigtingin natin ang kampanya ng turismo sa bansa ng sa ganoong paraan ay ating maipakita sa lahat na maliit man tayong maikukumpara ng ibang bansa, may laban naman tayo kung ganda ng kalikasan ang siyang mapag-uusapan.
Mabuhay ang lahat at nawa’y nagandahan kayo sa pagsama sa aking pamamasyal sa lungsod ng Iligan!
 

Friday, October 14, 2011

How To Promote Iligan City.

Ang Iligan City ay isa sa mga pinakamagandang syudad sa Pilipinas. Kaya ito nasasabing maganda kasi dahil ito sa mga magagandang tanawin. Kaya ito tinawag na syudad ng talon ang Iligan City dahil ito ay may 23 na talon. Isa sa mga pinakasikat na talon sa Iligan City ay ang Maria Cristina. Tinatawag din itong “twin falls” dahil ang agos nito ay pinag hiwalay ng bato. Ang lungsod ng Iligan, na kilala sa tawag na “City of Majestic Waterfallls” ay matatagpuan sa Pilipinas sa hilaga ng Mindanao. Ang lungsod na ito ay nagmula sa isang nayon sa Bayug na may 2.5 kilometro ang layo mula sa hilaga ng kasalukuyang Poblacion. Ito ay napapaligiran hilaga at hilagang-silangan ng lalawigan ng Misamis Oriental, sa silangan at hilagang-silangang bahagi ng lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Sur, sa timog-silangan ng lalawigan ng Lanao del Norte at sa kanluran ng Iligan Bay. Unang nanirahan dito ang mga katutubong Maragats, bago pa man dumating ang mga Kastila. Sa kalagitnaan ng ika-16 dantaon, dumating ang mga dayuhang Bisaya mula sa pulo ng Panglao. Mula sa pagiging maliit na pamayanan ng Kagawaran ng Mindanao at Sulu, Pulo ng Pilipinas noong 1903, umusbong ito sa pagiging lungsod sa sampung pinag-isang lalawigan ng Lanao.Ang Talon ng Maria Cristina bilang isang tanawin ay may pinakamahalagang kontirbusyon sa paglago ng ekonomiya ng Iligan lalong lalo na sa buong mundo. Mas lalo naming pinagtibay ang aming pagpapakilala ng Talon ng Maria Cristina bilang lugar ng turismo at pinagmumulan ng hydroelectric power at purihin ito dahil sa pag-angat ng ekonomiya ng Iligan at Pilipinas. Gusto rin naming ipakita ang nakatagong yaman ng Talon ng Maria Cristina. Ang talon na ito ay pinakaunang pinangalingan na nagbibigay ng enerhiya upang magkaroon ng ilaw ang buong syudad.Isa din sa nagpapaganda sa Iligan City ay ang Timoga pool. Isa itong paliguan na kung saan napakalinis at napakalamig ng tubig. Kaya maraming naiganyo na pumunta dito para matikman kung gaano kasarap maligo sa tubig ng Iligan City. 

Gusto nyo bang malibang kasama ang pamilya? Inigano ko kayo na pumunta sa Tinago falls upang matignan ang mga magagandang hayop sa maliit na zoo. Kaya ito tinawag na tinago kasi ito ay napakalayo at dadaan ka pa sa matirik at napakahabang hagdanan na kung saan may 500 na hakbang. Sa ingles naman ang ibig sabihin ng tinago ay “hidden”. Kung hindi nyo rin alam isa ang tinago sa mga magandang tanawin na pinakita sa palabas na “Forever and the day” nina Sam Milby at Kc Concepcion. Kung trip nyo naman mag zipline kasama ang pamilya, pumunta na kayo sa Maria Cristina. Nakakatakot at napakasaya. Talagang ma eenjoy ka at sulit ang iyong bayad. Isa sa mga pasyalan ng mga tao dito sa Iligan ay ang mga mall. Dito marami pumupunta dito upang mamasyal. Marami din kayong mabibili na magaganda at mura. Pwede rin kayong manood ng ng palabas sa mga magagandang sinehan dito sa Iligan. Gusto mo bang kumain ng inihaw, litson, mag inuman? Pumunta na kayo sa “night market” tuwing biyernes at sabado sa Rizal Park dito sa Iligan City Plasa. Doon mo matitikman ang ibat-ibang putahi tulad ng liston, inihaw, barbekyu. Pwede rin kayong mag inuman kasama ang barkada at manood ng nagagalingan na mga banda. Hindi rin magiging maganda ang Iligan kapag wala ang pista. Ito ang pinakamasayang araw na mangyayari na kung saan may ibat-ibang mga kasiyahan na magaganap.
May prosisyon na magaganap na kung saan iniikut ang aming mahal na patron na si Sr. San Miguel sa buong syudad at dinadaluahan ng maraming tao. Naghihiyawan, nagtatakbuhan at nagtatawanan at talaga namang napakasaya. Ang pagbaba ni  Senor San Miguel ang isa  sa mga pinakamalaking at pinakarelihiyosong nagaganap sa kapistahan ng Iligan. Masasayang magaganap din  ay ang Diyandi Festival na linalahukan ng ibat-ibang panig ng lugar sa Iligan. Pinapakita dito kung gaano ka talento ang ang mga taga Iliganon pag dating sa pagsasayaw at pagdedesinyo. Naging tradition na sa Iligan City......the famous DIYANDI festival of Iligan, by this Publicity.... sa web site , marami nang tourista na pupunta sa Iligan... Just to see. So, mga kapamilya nasa Abroad...balak ba ninyo pupunta sa Iligan Timing-nga ninyo na Fiesta sa Iligan para ma enjoy - wacthing the street dancing at same time maka pamista, native Pilipino Foods, Iligan City ay Kilala sa Pilipinas na masarap mag luto nang LECHON.  
Kaya dito marami talang pumupunta na mga dayuhan para masaksihan kung gaano kaganda ang festival na ito. Meron ding “street party” na magaganap gabi-gabi pagdating ng pista. Dinadaluhan din ito ng mga ibat-ibang uri ng tao. May matanda at meron din mga kabataan. Magkasintahan man o maging barkada lahat pwedeng sumali. Minsan din may mga sikat na tao ang pumupunta sa Iligan para mag patawa o di kaya mag concerto. Talaga namang napakasaya ng Iligan sa pag dating ng araw na ito. Nagsisilabasan lahat ng tao upang makisaya. Syempre isa sa mga bagay na nagpaganda sa Iligan ay ang mga nag gwagwapuhan at nag-gagandahang tao dito sa Iligan. Talaga namang makikita mo kung gaano ka simple at pala kaibigan ang mga tao dito kapag naranasan mo makihalubilo at makisaya sa mga tao dito.
Kaya naman inaanyahan ko ang mga tao sa ibang lugar na subukan ninyo na pumunta sa Iligan City at sumaksi para malaman nyo na hindi nagpapatalo ang syudad ng Iligan. At para malaman nyo rin kung gaano ka ganda ang Iligan City. Para din malaman nyo rin kung ano ang kaibahan ng Iligan sa ibang lugar at kung ano ang nasa Iligan na wala  sa ibang lugar. Kaligtasan ang pinag-uusapan? Huwag nang mabahala kasi ang gobyerno ng Iligan na pinamumunuan ng aming mahal na mayor na si Mayor Lawrence Lluch Cruz na pinakalat ang mga bagong graduate na pulis upang magbantay a tumulong kung sakali nangangailangan kayo ng tulong. Para din masiguro ang inyong kaligtasan sa mga di inaasahang pangyayari. Lahat dito naka alerto kaya wag nang mabahala pumunta na kayo at mag enjoy sa mga magagandang mga lugar at tanawin na ika sisiguro ko na ika bubusog ng inyong mga mata. Marami pa kayong hindi nalalaman sa Iligan City.
 
                                                         Viva Senior San Miguel!!!